Nasa 10,000 pulis ang ipinakalat ng National Capital Region Police Office sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila para sa pagsisimula kaninang madaling araw ng Simbang Gabi.
Ayon kay National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Oscar Albayalde, kanilang idineploy ang mga pulis sa mga matataong lugar sa mga matataong lugar lalo na sa paligid ng mga malalaking simbahan , terminal, palengke, tiangge at iba pa.
Kasabay nito tiniyak ni Albayalde na nananatiling payapa ang buong Metro Manila at walang namomonitor na anumang banta sa seguridad.
***
Libu-libong mananampalataya ang nagtungo sa mga simbahan sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa pagsisimula ng Simbang Gabi.
Napuno ang Mary Queen of Peace Shrine o mas kilala sa tawag na EDSA Shrine ang kaninang alas-4:00 ng umaga.
Sumentro ang naging homily ni Father Larry Abaco, Rector ng Shrine, sa panawagang ihanda ng mga mananampalataya ang kanilang mga tahanan at puso sa pagdating ng Mesiyas.
Pinangunahan naman ni Luis Antonio Cardinal Tagle ang misa sa Manila Cathedral.
—-