Prayoridad na mabakunahan kontra COVID-19 ng lokal na pamahalaan ng Tagbilaran City sa Bohol ang 10,000 senior citizen sa kanilang lungsod oras na magkaroon na ng suplay ng bakuna sa bansa.
Naglaan ang Tagbilaran City ng aabot sa P10 milyon pondo na mula sa ipon ng lokal na pamahalaan nito upang ipambili ng suplay ng bakuna.
Ayon kay Mayor John Geesnbel Yap II ang mga senior citizen na nagnanais mabakunahan ng libre ay mangyari lamang magparehistro kasabay ng paglunsad nila ng immunization program kapag may suplay na ng bakuna sa bansa.—sa panulat ni Agustina Nolasco