Sinisingil na ng grupo ng mga guro si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pangako nitong dodoblehin ang kanilang mga sahod.
Ayon kay Teachers Dignity Coalition Chairman Benjo Basas, ito ay dahil itinuloy lamang ng Pangulo ang Salary Standardization Law (SSL) sa halip na doble-sahod.
Giit pa niya na pinakababa sa lahat ng entry level ng government professional ang Salary Grade 11 ng mga guro.
Dahil dito, umaapela na ang naturang grupo sa susunod na pangulo ng bansa na aprubahan ang hirit nilang mahigit P10-K taas-sahod na isa rin anila sa pangakong napako ni Duterte. —sa panulat ni Airiam Sancho