Isinapubliko na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang 10M piraso ng bagong 1,000 peso polymer banknotes.
Ayon sa BSP, katumbas ito ng 0.7% ng sirkulasyon nang pinagsamang bilang ng 1 thousand peso paper bill.
Sa susunod na taon inaasahang aabot na sa 500M piraso ng polymer banknotes ang maisasama sa sirkulasyon.
Ang BSP ang nagdisenyo ng bagong salapi na inaprubahan naman ng National Historical Institute.
Nasa harap ng disenyo ang Philippine Eagle kapalit ng bayaning sina Vicente Lim, Josefa Llanes Escoda at Jose Abad Santos.