Target ng pamahalaan na maipako sa mahigit 10 milyong turista ang bibisita sa bansa kada taon pagsapit ng 2020.
Ayon kay Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre, puspusan na ang paglalatag sa iba’t ibang proyektong pang turismo upang maabot ang target nilang ito.
Kumbinsido si Alegre na hindi makakaapekto sa lagay ng turismo sa bansa ang nangyayari sa Mindanao tulad ng Davao bombing dahil naaksyunan naman agad ito ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Bahagi ng pahayag ni Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre
“Sa dami ng tourism related projects na nagaganap ngayon ay hopefully ma-address ang infrastructure na sasalubong sa milyun-milyong mga turista na inaasahan natin. Walang tigil ang promotion ng Philippine tourism industry here and abroad na abutan yang goal na yan.” Pahayag ni Alegre
By Len Aguirre | Ratsada Balita