Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Clark ang P1.1 million pesos na halaga ng kush marijuana.
Ang illegal drugs ayon sa BOC ay dumating sa bansa nitong September 8 at itinago sa tatlong pakete ng imported na kape mula sa California.
Una nang idineklara ang package bilang kape, t shirt at bookbag.
Ang masarap na amoy ng kape ang nakaengganyo sa mga otoridad na inspeksyunin pa ang package na nang tumambad sa laboratory test ay pawang kush marijuana.
Ang nasabing shipment ay ika labing siyam na ng illegal drugs na nakumpiska ng Boc Port of Clark.