Naitala ang napakalamig na 11.5 degrees celsius sa Baguio City ilang araw bago ang inaasahang transition period sa pagpasok ng tag-init.
Naitala ng Cordillera Civil Defense ang naturang temperatura kaninang alas singko ng umaga ngayong araw.
Mas malamig ito kumpra sa 12.2 degrees celsius na naitala kahapon, Huwebes at 12.5 degrees celsius nuong Miyerkules.
Magugunitang bumagsak ng 9 degrees celsius ang temperatura sa Baguio City nuong Enero 30 na pinakamababa ngayong taon.