Isang lalaki ang patay dahil umano sa tetano makaraang tuliin sa Health Center sa Bayan ng Lupon, Davao Oriental.
Kinilala ang biktimang si Lear John Ilisan, 11- anyos na nagpatuli noong Hulyo a – 8.
Ayon kay Armando Ilisan, dalawang araw pa lang makaraang matuli ang kanyang anak ay may naramdaman na ito na inakalang normal lang sa bagong tuli.
Gayunman, nakaranas na ang bata ng lockjaw matapos ang ilang araw hanggang sa bawian ng buhay si Lear John noong Hulyo a – 27.
Itinanggi naman ng midwife ng health center na si Angelina Uyanguren na tetanus ang ikinamatay ng biktima.
Batay sa Death Certificate, respiratory failure ang sanhi ng pagkamatay ng bata bunsod ng generalized tetanus.
Iniimbestigahan na ng Department of Health ang nasabing insidente.