Patuloy ang panawagan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko lalo na sa mga nagmamay-ari ng baril na sundin ang ipinatutupad na gun ban ng Commission on Elections (COMELEC).
Ito’y ayon sa PNP matapos na makapagtala ng 12 naaresto ngayong araw dahil sa paglabag sa gun ban mula sa 2,662 checkpoints na nakalatag sa iba’t ibang panig ng bansa.
Mula sa 11 naaresto, aabot sa 12 armas ang nakumpiska kung saan 1 rito ang replica ng baril habang nasa 74 naman ang mga bala.
Pinakamarami sa mga naaresto ay mula sa National Capital Region na may 6, tig-2 mula sa CALABARZON at BARMM, habang tig-1 naman mula sa MIMAROPA at SOCCSKSARGEN.
Buhat nang magsimula ang gun ban nuong Enero a-9, aabot na sa 27 ang bilang ng mga naarestong lumalabag sa gun ban mula sa kabuuang 10,878 na checkpoints na kanilang inilatag. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)