Isinasailalim na sa social integration program ng mga lokal na pamahalaan at Joint Task Force Sulu ang nasa 11 dating miyembro ng Abu Sayyaf.
Ito’y makaraan silang sumuko ang nabanggit na bilang ng mga bandido sa Joint Task Force Sulu nitong araw ng Biyernes.
Ayon kay Joint Task Force Sulu Spokesman Lt/Col. Ronaldo Mateo, ang mga sumuko ay pawang mga tauhan ni Abu Sayyaf Leader Mundi Sawajdaan at Radulan Sahiron.
Maliban sa social integration program, sinabi ni Mateo na isasailalim din ang mga sumukong bandido sa physical at medical examination sa Camp Teodulfo Bautista Station Hospital.
Batay sa datos ng Joint Task Force Sulu, nasa mahigit 340 na ang mga sumukong Abu Sayyaf members sa AFP, PNP at local government unit mula noong taong 2017.