Pumalo na sa 42,151 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y ayon sa PNP Health Service ay matapos madagdagan ito ng 11 bagong kaso kahapon kung saan, nadagdagan din sa 118 ang total active cases.
May 10 namang bagong gumaling sa sakit kaya’t sumampa naman na sa 41,908 ang kanilang total COVID-19 recoveries.
Ang magandang balita ay walang naitalang nasawing Pulis dahil sa COVID-19 kayat nananatili ang bilang nito sa 125.
Aabot naman na sa mahigit 394,000 ang mga bakunang naipamahagi sa hanay ng PNP kung saan, mahigit 208 libo rito ang fully vaccinated na kontra sa virus. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)