Balik na sa sulu ang may labing isang (11) batalyon ng militar para pulbusin ang grupong Abu Sayyaf.
Ayon kay Western Mindanao Command Chief Lt. General Carlito Galvez, target ng militar na mahuli ang mga terorista bago matapos ang unang bahagi ng 2018.
Kabilang sa mga target ang senior leader na si Radullan Sahiron at Hatib Hajan Sawadjaan.
Binigyang diin ni Galvez na ang problemang panseguridad sa Sulu ang nagiging hadlang sa mga programang pangkaulanran ng pamahalaan sa naturang lungsod.
—-