Halos sabay-sabay na nagbitiw sa tungkulin ang labing isang boluntaryong doktor ng DOH na nakatalaga Sa Philippine General Hospital.
Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, ang mga nasabing duktor na nakatalaga sa COVID-19 ward ng nasabing pagamutan ay hindi pa niya nakakausap kaya’t wala pa siyang idea kung bakit nagbitiw ang mga ito.
Gayunman, ilan aniya sa mga nakikita niyang posibleng dahilan ay pagod dahil na rin sa dami ng trabaho sa PGH lalo pat malubha ang kondisyon ng mga pasyenteng naka confine rito gayundin ang sahod.
Aminado si Del Rosario na malaking kawalan ang mga umalis na duktor subalit marami pa naman silang mga duktor na maaaring hugutin sa ibang departmento para makatuwang nila sa pag gamot sa COVID-19 patients.
Inihayag pa ni Del Rosario na ilang nurse na rin ang una nang nag-resign samantalang ang iba naman ay nakatakdang na ring magretiro.