Nasawi ang 11 buwang sanggol sa Sta. Praxedes, Cagayan dahil sa COVID-19.
Pumanaw ang sanggol noong Sabado, Agosto 14.
Ayon sa Santa Praxedes Rural Health Unit and Birthing Center, ito ang unang kaso ng COVID-19 fatality sa bayan.
Nagsagawa naman ng contact tracing ang Municipal Health Office para matukoy ang mga posibleng nakasalamuha ng sanggol.
Subalit lumabas sa resulta ng swab test na negatibo sa COVID-19 ang pamilya, kaanak at mga close contact ng sanggol kaya’t hindi pa natutukoy kung saan o kanino ito nahawa.
Batay sa datos hanggang nitong Agosto 15, mayroong 23 bagong kaso ng COVID-19 sa Santa Praxedes dahilan kung kaya’t umabot na sa 38 ang aktibong kaso ng virus sa lugar.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico