Labing isang drug suspek ang napapatay kada araw sa buong bansa mula nang magsimulang manungkulan si PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa
Ito’y batay mismo sa datos ng Philippine National Police o PNP mula July 1 hanggang kahapon, July 19 na may kabuuang 194.
Batay pa sa datos ng pulisya, aabot naman sa halos 3,000 ang mga na-a-aresto, mahigit Isandaan at Tatlong Libo ang mga nagsisuko habang nasa 56,000 kabahayan ang kinatok bilang bahagi ng Oplan Tokhang
Dahil dito, sinabi ni PNP Spokesman S/Supt. Dioardo Carlos na asahan nang madaragdagan pa ang naitalang bilang dahil magpapatuloy ang kanilang kampaniya kontra sa operasyon ng iligal na droga
By: Jaymark Dagala