Gagawa ng kasaysayan ang Pilipinas para sa Inaugural National Pavilion nito sa World Art Dubai 2025.
Tampok sa nasabing event ang 11 Filipino-owned galleries at companies, na kumakatawan sa 45 artist mula sa Pilipinas; UAE; Italy; Switzerland; Canada, at United states.
Layon ng exhibit na i-highlight ang Contemporary Filipino Art.
Pinangunahan ng Filipino Artist at Gallerist na si Carlo Garrido ang nasabing programa sa pakikipagtulungan na rin sa tribe, isang grupo ng mga Filipino creative na nakatira sa UAE.
Ang tribe ay tumatakbo bilang isang Subcommittee ng Philippine Business Council Dubai at Northern Emirates, na nagsusumikap na magbigay ng isang pandaigdigang plataporma para sa Sining ng Filipino.