Labing isang (11) Indian nationals ang nawawala matapos lumubog ang cargo ship na sinasakyan ng mga ito sa karagatang bahagi ng Santa Ana, Cagayan.
Ayon sa Japanese Coast Guard nakatanggap sila ng distress call mula sa Emerald Star na may sakay na 26 na Indian nationals.
Nasagip ng tatlong sasakyang pandagat na malapit sa lugar ang 15 crew members ng barko.
Sinabi ng Japanese Coast Guard na hirap silang mahanap ang mga nawawalang Indian nationals dahil sa bagyong Odette.
—-