Sumampa na sa 35 ang kabuuang bilang ng kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.
BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa 35; ito’y makaraang ianunsyo ng Department of Health ang karagdagan pang 11 na kumpirmadong kaso ng naturang virus https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/TxjBgS3bC4
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 10, 2020
Ito’y makaraang kumpirmahin ng Department of Health ang 11 karagdagang kaso ng naturang virus ngayong hapon ng Martes, ika-10 ng Marso.
Sa Facebook page ng DOH, makikita ang kanilang anunsyo kaugnay sa latest tally ng mga naturang kaso.
Samantala,magugunita namang nagdeklara na ng state of public health emergency si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa.