Kinumpirma ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na 11 sa 17 niyang kasamahan sa bahay ang nagpositibo sa COVID-19 kung saan, ang ilan sa mga ito ay nakaconfine sa ospital ng Davao.
Sa pahayag ng Presidential daughter, karamihan sa kaniyang mga kasamahan sa bahay ang hindi pa nababakunahan na tinamaan ng mild symptoms kung saan, isang bata sa mga tinamaan ang nangailangan ng oxygen supplementation.
Hindi naman tinukoy ni Inday Sara kung sino-sino ang mga tinamaan ng nakakahawang sakit.
Matatandaang nag-negatibo si Inday Sara sa unang naging pagsusuri pero agad din siyang nagpositibo matapos muling isailalim sa swab test dahil sa mild symptoms matapos mawalan ng panlasa at pangangati ng kaniyang lalamunan.
Sa ngayon, nasa maayos na kundisyon na ang kaniyang mga kasamahan sa bahay habang ipina-quarantine naman ang iba pa nilang mga nakasalamuha. —sa panulat ni Angelica Doctolero