Patay ang 11 katao at sugatan ang apat na iba pa nang sumalpok sa multi cab ang isang closed van na nawalan ng kontrol matapos sumabog ang gulong nito habang bumibiyahe pa Botolan, Zambales.
Ayon sa mga otoridad ang mga nasawi na mula sa multi cab ay mga katutubong aeta na dumalo sa isang livelihood seminar.
Kabilang naman sa mga nasugtan ang driver at pahinante ng van.
By: Judith Larino