Patuloy ang paghahanap sa 11 nawawala sa Southern Japan matapos tumama ang magkakasunod na malakas na lindol na kumitil sa buhay ng 41.
Inanunsyo na rin ng Amerika ang paghahanda nito para sa pagtulong sa relief operations
Sinabi naman ng Toyota Company sa Japan na pansamantalang ititigil nito ang paggawa ng sasakyan.
Libu-libong rescue workers na rin ang naghahanap sa mga nawawala pa sa bulubunduking bahagi ng Japan.
Umabot na sa 180,000 ang nawalan ng tirahan sa nasabing bansa.