Patay ang 11 katao habang apat ang nawawala matapos sumabog ang minahan ng uling sa Boyaca Province sa Colombia.
Ayon sa National Mining Agency (ANM), naganap ang pagsabog nitong weekend bunsod ng pamumuo ng methane gas.
Madalas maganap ang ganitong insidente dahil ilang negosyo ang iligal na namamalakad at marami ang hindi sumusunod sa safety measures.
Noong 2021, nasa 128 mining accidents ang naganap sa Colombia na nagresulta ng pagkasawi ng 36 katao.—sa panulat ni Abby Malanday