11 ang patay habang 5 iba pa ang sugatan matapos ang rail accident sa india.
Ayon sa mga otoridad, bumaba ng tren ang mga pasahero dahil sa pag-aakalang may sunog.
May humila anila sa alarm chain ng tren dahilan para tumigil ito, at sa takot ng mga pasahero, lumabas ang mga ito sa tren at saka nakaladkad ng isa pang tren sa kabilang linya.
Matatandaang noong 2023, mahigit 280 rin ang namatay matapos ang banggan ng tren sa nasabing bansa. – Sa panulat ni Laica Cuevas