Patay ang 11 militante sa operasyon ng Security Forces sa Afghanistan.
Ayon sa Defense Ministry, sinalakay ng mga elemento ng Afghan Army, Police at Intelligence agency ang mga probinsya ng Nangarhar, Helmand at Laghman.
Maliban umano sa mga nasawi, 6 na iba pang Taliban militants ang nasugatan sa engkwentro.
4 na army personnel naman ang sinasabing napatay sa naturang bakbakan.
By: Jelbert Perdez