Sugatan ang 11 katao sa pamamaril sa isang family planning center sa Colorado, USA.
Kabilang sa mga nasugatan sa pamamaril ang 5 pulis.
Ipinabatid ni Colorado Mayor John Suthers na hawak na nila ang suspek at inihahanda na ang kaso laban dito.
Mahigpit na tinututukan ng mga otoridad kung target nga ba ng suspek ang nasabing family planning center.
Limang oras muna ang nangyaring negosasyon para tuluyang mapasuko ang suspek.
By Judith Larino