Sugatan ang labing isa (11) katao matapos tamaan ng sumabog na bomba sa gilid ng kalsada sa Kirkuk, Iraq.
Ayon sa mga awtoridad, target ng naturang pambobomba ang commercial district ng naturang lungsod.
Agad isinugod sa ospital ang mga sugatang sibilyan habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga kinauukulan sa insidente.
Bagamat natalo at naitaboy na ng security forces ang malaking bilang ng Islamic State, sinasabing patuloy naman sa mga pag-atake sa Kirkuk at ilan pang bahagi ng Iraq ang militant group na Sunni.
—-