Naka-rekober ng labing isang (11) kilong mga hinihinalang shabu ang militar sa pinagkukutaan ng Maute Terror Group sa Marawi City.
Ayon kay AFP o Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, nakuha ang mga ito habang nagsasagawa ng clearing operations ang mga militar.
Aniya, posibleng ginagamit ito ng mga terorista upang manatili silang gising at hindi mapagod.
Dagdag pa ni Padilla, nakakuha rin sila ng mga drug paraphernalia nang mapasok ang pinupugaran ng Maute Group sa Butig, Lanao del Sur noong nakaraang taon.
Matatandaang. una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati na konektado sa iligal na droga ang nasabing teroristang grupo.
By Krista De Dios | With Report from Aileen Taliping