Nakapagtala ang health authorities ng 11 nasawi dahil sa leptospirosis sa lalawigan ng Bicol simula Enero hanggang Hulyo 30.
Sa datos na inilabas ng Department of Health Center for Health Development Bicol Regional Epidemiology Surveillance Unit, tatlong pasyente ang nasawi sa lalawigan ng Albay, dalawa mula sa Camarines Norte, isa sa Camarines Sur, dalawa sa Catanduanes, at tatlo sa Sorsogon.
Naitala naman ang 85 kaso ng naturang sakit sa kaparehong panahon sa buong rehiyon.