Inihayag ng OCTA research group na 11 mga lugar sa bansa ang mayroong mataas na kaso ng COVID-19.
Sinabi ni OCTA research fellow Dr. Guido David na nakapagtala ng pinakamataas na daily COVID-19 cases mula nitong Oktubre 30 hanggang Nobyembre 5 ang Tuguegarao City, Sta. Ana, Cagayan, Pudtol, Apayao, Baguio City, Antipolo City, Puerto Princesa City, Lubang Island, Occidental Mindoro, Bacolod City, Dumaguete, Zamboanga at Davao City.
Gayunman, bahagya naman aniyang nako-kontrol ang hawaan ng virus sa Sta. Ana sa Cagayan.—mula sa panulat ni Hya Ludivico