11 lugar sa Metro Manila ang isinailalim sa highest alert level kaugnay sa tumataas na kaso ng COVID-19.
Kabilang dito, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang Las Piñas, Malabon, Makati, Marikina, Muntinlupa, Navotas, San Juan, Pateros, Quezon City, Taguig at Valenzuela.
Sinabi ni Vergeire na nananatili sa positive two week growth rate ang NCR na nasa high risk ADAR o average daily attack rate at kasalukuyang high risk case classification.
Bukod sa ilang lugar sa NCR, nasa alert level 4 din ang Apayao, Baguio City at Benguet sa Cordillera Administrative Region, Dagupan City, Ilocos Norte sa Region 1, Cagayan at Quirino sa Region 2, Angeles City, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac. Olongapo City at Zambales sa Region 3, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Lucena City at Rizal sa Region 4A at Naga City at Masbate sa Region 5.
Kasama rin ang Aklan, Antique, Guimaras, Iloilo, Iloilo City sa Region 6, Bohol, Cebu, Cebu City, Lapu Lapu City at Siquijor sa Region 7, Ormoc City at Tacloban City sa Region 8, Bukidnon, Cagayan De Oro City, Camiguin, Lanao Del Norte at Misamis Oriental sa Region 10, North Cotabato, General Santos City, South Cotabato sa Region 12 at Agusan Del Sur sa Caraga Region.
Ang alert level 4 ay itinuturing na moderate to critical risk at mayruong health care utilization rate na mas mataas sa 70%.