Aabot sa 11 mula sa 17 lungsod sa National Capital Region ang itinuturing na nasa “high risk” sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay matapos na makitaan ng Department of Health (DOH) ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang lungsod sa NCR.
Ayon kay Dr. Alethea De Guzman, direktor ng epidemiology bureau ng DOH na kabilang rito ang mga lungsod ng Paranaque, Pasay, San Juan, Pateros at mga lungsod ng Makati, Pasig, Las Pinas, Taguig, Valenzuela, Muntinlupa, Mandaluyong, Quezon City at Marikina.
Sinabi ni De Guzman na ang Paranaque at Pasay ang nakitaan ng pagtaas ng mga kaso ng naturang virus.
Habang ang ilang lungsod naman ay halos puno na ang mga ICU unit kung saan kailangan na mabigyan ng aksyon.
Dahil dito, sinabi ni De Guzman na dapat mas lalo pang paigtingin ng DOH ang kanilang contact tracing dahil sa mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa mga nasabing lugar.