Target ng Land Transportation Office (LTO) na malinis ang kalahati sa 11 million backlog nito sa plaka sa loob ng anim na buwan.
Ayon ito kay LTO Assistant Secretary Teofilo Guadiz, III na nagsabing kabilang sa backlog ang mga plakang nagawa na simula pa nuong 2016.
Inihayag ni Guadiz na dodoblehin nila ang kanilang manpower o bilang ng mga tauhan sa planta para makagawa ng plaka 24 oras at makakuha ng iba pang manufacturer.
Kasabay nito, ipinabatid ni Guadiz na kinukunsider nilang gawing online ang mga transaksyon na may kaugnayan sa pagpaparehisto ng sasakyan at renewal ng driver’s license para maiwasan ang korupsyon.