Inilabas na ng samahang Basketball ng Pilipinas (BSP) ang 11 manlalaro ng Gilas Pilipinas na sasabak sa ikatlong window ng FIBA Basketball World Cup 2023 Asian Qualifiers.
Kinilala bilang team captain ng kuponan ang beteranong si Kiefer Ravena.
Napili rin na manlalaro sina Dwight Ramos, William Navarro, RJ Abarrientos, Dave Ildefonso, Carl Tamayo, Francis Lopez, SJ Belanguel, Geo Chiu, Rhenz Abando at Kevin Quiambao.
Unang namang makakaharap ng Gilas ang New Zealand sa Huwebes, June 30 habang makakalaban nila ang India sa July 3.