Sinuspinde ng National Basketball Association (NBA) ang 11 manlalaro nito matapos ang gulo sa pagitan ng Detroit Pistons at Orlando Magic.
Kabilang sa mga pinatawan ng suspensiyon ay sina Pistons guard Killian Hayes para sa tatlong laro at si Orlando Magic center Moritz Wagner sa 2 laro.
Si Pistons guard Hamidou Diallo naman ang napatawan ng ban sa isang laro kasama ang walo pang manlalaro ng Magic.
Ang one-game suspensions na inisyu sa 8 Magic players ay dahil sa pag-alis sa bench area sa gitna ng laban.