Patay ang 11 militante na umano’y kaalyado ng ISIS sa isang operasyon sa North Caucasus, Russia.
Ayon sa National Counter-Terrorism Committee, namatay sa matinding bakbakan sa naturang lugar.
Habang naglulunsad ang Russian special forces ng counter-terror operation sa kagubatan malapit sa Nalchik ay naispatan umano ang mga militante dahilan upang magkabakbakan.
Sinasabing wala namang casualties sa panig ng mga tropa ng Russian Government.
By Jelbert Perdez