Nagbalik-loob sa pamahalaan ang 11 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Maguindanao.
Ayon kay Lt. Col. Charlie Banaag, commander ng 6th Infantry Battalion o 6IB, ang mga sumuko ay pawang kasapi ng paksiyon ng BIFF sa ilalim ng isang Kagi Karialan.
Sinabi ni Banaag na pagod na sa pakikipaglaban sa gobyerno ang mga ito kaya’t mas piniling sumurender upang makapiling muli ang kani-kanilang mga pamilya.
Maliban dito, sinasabing isinuko rin ng mga dating rebelde ang ilang malalakas na uri ng armas at isang grenade launcher.