Tinawag na “bayani” ni President Juan Manuel Santos, ang 11 Colombian military personnel, na nasawi sa plane crash.
Batay sa report ng Air Force, nasira ang motor ng kanilang eroplano dahilan para bumagsak ito sa bahagi ng probinsya ng Cesar.
Natagpuan naman ang nasunog na bahagi ng eroplano sa bayan ng Codazzi, 600 kilometro sa hilagang silangan ng Bogota, malapit sa border sa Venezuela.
By Katrina Valle