Labing-isang (11) Lumad na pawang miyembro ng New People’s Army o NPA ang sumuko sa Philippine Army sa Sultan Kudarat.
Ayon kay Alpha Company Commanding Officer, 1st Lt. John Austin Jamora ng 33rd Infantry Battalion, walong (8) high-powered rifles kabilang ang limang M-16 at ak 47 ang itinurn-over ng mga rebelde.
Pawang nagmula sa tribong Manobo at naninirahan sa Barangay Midtungok, sa bayan ng Senator Ninoy Aquino ang mga nasabing NPA members.
Dismayado na anya ang mga Lumad sa hindi natutupad na mga pangako ng mga leader ng komunistang grupo kaya’t sumusuko na ang kanilang mga miyembro.
By Drew Nacino