Lubog pa rin sa baha ang nasa mahigit 100 barangay sa 11 bayan ng Pampanga.
Ayon kay Angelina Blanco ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, catch basin ang Pampanga lalo na ang Masantol at Macabebe.
Dati pa man aniya ay nagtatagal na umano ang tubig sa naturang mga lugar hindi lamang dahil sa pagbuhos ng ulan kundi maging pag high tide dahil coastal municipality aniya ang kanilang lugar.
Kaugnay nito, dalawang bayan na umano ang nag-deklara ng State of Calamity dahil sa dalawa hanggang talampakan na baha.