Patay ang 11 estudyante sa air-strike at pamamaril sa Yangon, Myanmar.
Ayon sa United Nations Children Fund (UNICEF), 15 iba pang mag-aaral ang nawawala.
Tinarget ng Military Junta ang mga pugad ng mga rebelde sa naturang lugar.
Pebrero nang nakaraang taon nang maglunsad ng kudeta ang militar na nauwi sa kaguluhan na ikinasawi na ng mahigit 2,300 katao.
Samantala, kinondena na ng UNICEF ang panibagong pag-atake ng militar sa mga sibilyan. —sa panulat ni Jenniflor Patrolla