Aabot sa 10 baril nasamsam ng Philippine National Police (PNP) habang 11 ang naaresto sa unang dawalang araw ng pagpapatupad ng Nationwide COMELEC gun ban.
Ayon kay PNP Spokesperson P/Col. Roderick Alba, pawang mga sibilyan aniya ang nahuli ng PNP sa 10 magkakahiwalay na checkpoint operations.
Maliban sa mga nakumpiskang armas, isang replica ng baril din ang nakuha ng pulisya gayundin ang may 95 bala.
Tatagal ng 150 araw ang ipinatutupad na gun ban na naging epektibo nuong araw ng Linggo, Enero a-9 hanggang Hunyo a-8 kung saan ay kanselado ang lahat ng Permit To Carry Firearms Outside Of Residence (PTCFOR).
Mahigpit na pinagbabawalan ang lahat ng nagmamay-ari ng baril na dalhin ito sa labas ng kanilang tahanan kahit pa sa mga nasa unipormadong hanay maliban na lang kung sila’y naka-duty at kung may exemption mula sa COMELEC.