Nasa 11% ng mga nanay sa Metro Manila ang tumangging pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa polio.
Kasunod ito ng pagbabalik ng kaso ng polio sa bansa matapos itong mawala ilang dekada na ang nakalipas.
Ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, karamihan sa mga inang ito ay mula sa pinakamahirap na sektor ng lipunan.
Simula aniya nuong 2016 ay maraming magulang na ang tumangging pabakunahan ang kanilang mga anak kasunod ng kontrobersiya sa dengvaxia habang ang iba naman ay sadyang hindi naniniwala sa bakuna.
Sa huli siniguro ng opisyal na ligtas ang bakuna sa polio at napatunayan na itong epektibo simula nuong 1970’s.
Habang ang masaya namang ibinahagi ni Vergeire na manageable na ang mga kaso ng dengue sa bansa at nagkaroon na ng pagbaba sa bilang ng nagkakasakit nito.