11 miyembro ng New People’s Army (NPA) na kumikilos sa bicol ang nagbalik-loob sa pamahalaan.
Ayon kay Police Regional Office in Bicol (PRO-5) Spokesperson Maj. Malu Calubaquib kasamang isinurender ng mga miyembro ng npa ang kanilang mga armas, mga bala, at assorted war materials na nasa kanilang pag-iingat.
Ayon kay Calubaquib, ang boluntaryong pagsuko ng mga rebelde ay resulta ng mas pinaigting na mga operasyon ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.
Napilitan aniyang magbalik-loob sa pamahalaan ang mga ito dahil sa kawalan ng pag-asa sa kanilang ipinaglalaban.
Sumasailalim ngayon sa debriefing at documentation ang mga npa members habang nangako naman ang militar na tutulungan sila upang makapagbagong-buhay, kapiling ang kani-kanilang pamilya, sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP). —sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)