Ikinatuwa ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Debold Sinas ang tuloy-tuloy na pagsuko ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA).
Ito’y makaraang magbalik loob sa Police Regional Office 3 o Central Luzon kamakalawa ang nasa 11 mga kadre kasunod ng pinaigting nilang operasyon.
Personal na tinanggap ni Central Luzon PNP Director Brig/Gen. Valeriano De Leon ang 11 nagbalik loob na rebelde bitbit ang kani-kanilang armas.
Bukas, araw ng Lunes, pangungunahan ni De Leon ang pamamahagi ng ayudang pinansyal para sa mga sumukong rebelde at pagsasailalim sa mga ito sa e-clip o enhanced comprehensive local integration program ng gobyerno.