Nakauwi na ng bansa ang 11 sa 16 na OFW’s na nakulong at nabigyan ng pardon ni King Hamad Bin Isa Al Khalifa ng Kingdom of Bahrain.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), inaayos na nila ang pagpapauwi sa apat na iba pa samantalang isa ang maiiwan pa sa Bahrain para harapin ang sentensya sa kanya sa kasong human trafficking.
Ang 16 ay pinatawad ng hari ng Bahrain sa mga kasong drug peddling, murder, accessory to murder, attempted homicide, prostitution, embezzlement of funds, at pagnanakaw.