Ipinakukulong ng korte sa Cambodia ang labing isang (11) opposition party members dahil sa kasong insurrection.
Kaugnay ito ng marahas na anti-government protest noong nakaraang taon.
Ayon sa Defense Lawyer na si Sorn Sudalen, posibleng umabot sa 7-20 taong pagkakakulong ang kahaharapin ng labing isang (11) miyembro ng Cambodia National Rescue Party (CNRP) dahil sa tangkang muling buksan ang nag-iisang protest venue sa bansa, ang “Freedom Park”.
Nag-ugat ang kaguluhan nang hagisan ng security forces ng tear gas at pinagpapalo ang CNRP supporters.
By Mariboy Ysibido