Labing isang bihag pinalaya ng grupong Hamas kasunod ng panibagong kasunduan ng Israeli militant.
Ayon sa Qatar kabilang sa mga pinalayang bihag, lahat ay dual citizens, tatlong French nationals, dalawang German nationality at anim na Argentine citizens.
Nauna nang sinabi ng Hamas na natanggap nito ang listahan ng tatlumpu’t tatlong Palestinians na palalayain mula sa Israeli jails kapalit ng pagpapakawala nila sa mga bihag.
Magugunitang, palalawigin ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas.
Una nang sinabi ni Qatari Foreign Ministry Spokesman Majed al Ansari, nagkasundo ang magkabilang-panig para sa dalawang araw na extension upang ipagpatuloy ang humanitarian assistance sa mga apektado ng digmaan sa Gaza strip. - sa panulat ni Jeraline Doinog