Lumutang sa Department of Justice o DOJ ang labing isa (11) pang Pulis – Caloocan para humarap sa preliminary investigation kaugnay sa pagkakapaslang kay Kian Loyd Delos Santos.
Kabilang sa mga dumalo sa pagdinig sina PO2 Arnel Caniezares, PO2 Diony Corpuz, PO2 Fernan Cano, PO1 Reynaldo Dan Blanco Jr., PO1 Silverio Garcia Jr., PO1 Ronald Herrera at PO1 Myrldon Yagi.
Bigo namang makadalo sa pagdinig ang ika-labing dalawang (12) respondent na si PO1 Ceferino Paculan dahil hindi kabilang ang pangalan nito sa subpoena na inisyu ng DOJ.
Ang mga bagong respondents ay bahagi ng police team na nagsagawa ng anti-illegal drugs operations na ikinasawi ni Delos Santos noong Agosto 16.
Una nang kinasuhan ng murder at torture ng Public Attorney’s Office o PAO sina dating Caloocan Police Precinct 7 Commander Chief Inspector Amot Cerillo, PO3 Arnel Oares, PO1 Jerwin Cruz at PO1 Jeremias Pereda.