Nakapagtala ng 11 panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Cebu City.
Ito na ang pinakamababang naitalang kaso sa lungsod matapos ang tatlong buwang sunod-sunod na matataas na bilang.
Ayon kay Department of Health (DOH) Region 7 Spokesperson Dr. Mary Jean Loreche, ang naitalang pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 ay nagpapakita na lubos na nakatulong quarantine measures na ipinatupad sa Cebu City.
Malaking bagay din aniya ang pagdami ng contact tracing teams na mula sa 50 ay naging 130.
Magugunitang muling isinailalim ang Cebu City sa enhanced community quarantine matapos tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Sa ngayon ay kabilang na sa mga lugar na nasa general community quarantine ang Cebu City simula pa noong ika-1 ng Agosto.