11 ang patay habang 33 ang nawawala at patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad matapos manalasa ang isang bagyo sa Mexico.
Ayon sa mga opisyal, nagkaroon ng landslide o pagguho ng lupa at pagbaha sa ilang bahagi ng nasabing bansa.
Bukod pa dito, nakaroon din ng rockfalls at mudslide o ang pagbagsak ng mga bato at pag ragasa ng mga putik mula sa kabundukan.
Sa ngayon, namahagi na ang Mexico government ng mga pagkain, inumin at damit sa mga residenteng pansamantalang lumikas sa mataas na lugar.
Nag-deploy na rin ng mga tauhan sa lugar para sa pagsasagawa ng search and rescue operation sa pag-asang mahahanap pa ang ilang mga nawawalang biktima.